Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Matapos ang Pagpapalit ng Lahat ng Balakang: Pagbalik sa Aktibidad

Sa pamamagitan ng total hip replacement, ikaw ay gumagawa ng unang hakbang sa panunumbalik sa isang aktibong pamumuhay. Sa una, ikaw ay malamang na gagamit ng walker upang makalibot sa paligid. Ipapakita sa iyo kung paano ang ligtas na paggamit ng iyong walker. Sa iyong pagbawi sa bahay, mapapansin mo ang panunumbalik mo sa iyong pang araw-araw na gawain. Ipagpatuloy ang paggawa ng iyong mga ehersisyo. At hamunin ang iyong sarili sa paglakad ng mas malayo. Asahan na ang iyong mga pagsisikap ay magdudulot ng maganda habang dinadagdagan mo ang iyong mga aktibidad.

Babaeng naglalakad sa kalye gamit ang walker.

Paggamit ng Iyong mga Kasanayan sa Bahay

Sa ospital, ikaw ay nagsanay kung papaano umalis mula sa kama, maglakad, at paggawa ng pang araw-araw na gawain ng ligtas gamit ang iyong bagong balakang. Sa panahon na ikaw ay makabalik sa bahay, ito na ang oras upang gamitin ang iyong mga natutunan. Upang panatilihing ligtas ang iyong balakang, palaging mag-isip bago kumilos.

Gumawa ng isang programa sa paglalakad

Isang mabuting paraan ng pagsasanay sa paglalakad ay sa pamamagitan ng pagsama nito sa iyong pang araw-araw na gawain. Sa oras na maging madali na ang paglalakad, sundin ang isang programa para dito. Ang mga miyembro ng pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan ay makakatulong sa iyo na gumawa ng programa para sa paglalakad na ligtas para sa iyo.

Magsikap pa sa pamamagitan ng paglalakad nang mas malayo

Unti-unting dagdagan ang dami ng nilalakad mo sa paligid ng iyong bahay. Ang pagkuha ng iyong sariling baso ng tubig, paglabas para kunin ang mga sulat, at paggawa ng mga gawaing bahay katulad ng pagaalikabok ay ilang paraan upang sanayin ang paglalakad. Habang gumagaling ka, magpapatuloy ka sa iba pang mas mapuwersang aktibidad, katulad ng pag-akyat sa hagdan.

Magsanay ng mahusay na paghakbang

Upang makakilos ng madali, kailangang maglakad ng may mahusay na paggalaw. Panuorin ang iyong sarili sa salamin habang ikaw ay naglalakad patungo dito. O magkaroon ng kasama na titingin sa iyo. Siguraduhing ikaw ay naglalakad mula sakong sa daliri ng paa, at gamit ang pantay na timbang (at oras) sa bawat talampakan.

Ang pagiging mas aktibo

Ang susi sa pagiging aktibo ay ang pagsunod sa iyong programang pagpapagaling. Makipag-usap sa iyong siruhano tungkol sa mga aktibidad na gusto mong ipagpatuloy. Sasabihin sa iyo ng iyong siruhano kung kailan at kung paano ka ligtas na makababalik sa mga aktibidad, gaya ng pakikipagtalik, paglangoy, paghahardin, at pagmamaneho.

Online Medical Reviewer: Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Date Last Reviewed: 7/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer