Pag-unawa sa Schizophrenia
Ang schizophrenia ay isang malala at nakapagtatakang sakit sa utak. Lubha nitong binabago ang paraan ng pag-iisip, pagkilos at pakiramdam ng isang tao. Maaari nitong masira ang bawat buhay na makapitan nito. At maaari itong magdulot ng matinding hirap ng kalooban. Kung ikaw o ang isang mahal sa buhay ay may schizophrenia, huwag mawalan ng pag-asa. Sa ngayon, wala pang lunas. Ngunit maaaring makatulong ang paggamot na maibsan ang mga sintomas. Marami ring mga suportang serbisyo para sa mga taong may ganitong kondisyon at sa kanilang mga pamilya. Tutulong ang pahinang ito na ipakilala ka sa schizophrenia.

Ano-ano ang mga sintomas?
Maaaring labis na mag-iba-iba ang mga sintomas ng schizophrenia. Maaaring makakita o makarinig ng mga bagay na wala naman doon ang mga taong may sakit. O maaaring lubos nilang paniwalaan ang isang bagay na hindi totoo. Kung minsan maaari silang tahimik, walang sigla at lumalayo. Maaaring bihira silang tumingin sa mata ng kausap, at maaaring hindi tumugon. Sa ibang pagkakataon, maaari silang magsalita o kumilos nang kakaiba.
Sino ang naaapektuhan nito?
Naaapektuhan ng schezophrenia ang kapwa kababaihan at kalalakihan. Maaari nitong tamaan ang mga tao sa lahat ng lahi, kultura, at kita. Madalas itong nagsisimula sa maagang pagtanda. Maaari itong mangyari sa mga kabataang nag-aaral pa. Maaaring hindi nila natutunan ang ilang kakayahan sa buhay. At maaaring hindi sila magkaroon ng pagkakataong bumuo ng mga karera o matitibay na relasyon.
Ano ang sanhi nito?
Hindi ganap na alam ang mga sanhi ng schizophrenia. Malamang na maraming dahilan ang sangkot. Halimbawa, mukhang nasa dugo ng ilang pamilya ang schizophrenia. Maaaring ang mga nakaka-trauma na kaganapan ang dahilan ng sakit. May tungkuling ginagampanan din ang ilang kemikal sa utak. At iba ang istruktura ng utak ng mga taong may schizophrenia.
Paano humanap ng tulong
Maaaring kapuna-puna kung hindi nakakagulat ang mga unang senyales ng schizophrenia. Maaaring mahirapan ka na makayanan ito. Ito ay normal. Hindi mo kailangang harapin ang problemang ito nang mag-isa. Makakatulong ang pag-aaral pa tungkol sa schizophrenia at pagpunta sa mga grupong may pampamilyang suporta. Maaaring mag-alok ito sa iyo ng paggabay at suporta. Alamin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, lokal na ospital, o klinika sa kalusugan ng pag-iisip tungkol sa mga mapagkukunan sa iyong lugar.
Madalas na nagbibigay ang schizophrenia ng habambuhay na mga pagsubok. Ngunit maaaring magbigay ng pag-asa ang mga bagong paggamot at suporta mula sa ibang tao.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.