Dugo sa ihi

Ang dugo sa ihi (hematuria) ay maraming posibleng sanhi. Kung manyari ito pagkaraan ng isang pinsala (gaya ng isang aksidente sa sasakyan o pagkabuwal), karaniwang senyales ito ng pagkabugbog ng bato o pantog. Kabilang sa mga karaniwang sanhi ng dugo sa ihi ay mga impeksyon sa daanan ng ihi, bato sa bato (kidney stones), pamamaga, mga tumor o iba pang mga sakit sa bato o pantog. Ang pagkakaroon ng regla ay maaaring maging sanhi ng paglitaw ng dugo sa sampol ng ihi, kahit hindi man ito galing sa daanan nito.
Kung kaunti lamang ang dugo, lalabas ito sa resulta ng pagsusuri ng ihi, kahit na kulay dilaw ito o hindi pula o kulay-rosas. Maaaring mangyari ito sa anumang mga kalagayang nasa itaas, gayun na rin ng labis na ehersisyo o mataas na lagnat. Sa kasong ito, maaaring gustuhin ng iyong doktor na ulitin ang pagsuri ng ihi sa ibang araw. Ipapakita nito kung mayroon pa ring dugo. Kung ganoon, maaaring magsagawa ng iba pang pagsusuri upang malaman ang sanhi.
Pangangalaga sa Tahanan
Sundin ang mga tagubiling ito sa pangangalaga sa tahanan:
-
Kung hindi mukhang madugo ang iyong ihi (pink, brown o pula) hindi mo kailangan kung gayon na higpitan ang iyong aktibidad sa anumang paraan.
-
Kapag nakakita ng dugo sa iyong ihi, magpahinga at iwasan ang mabigat na paggawa hanggang sa iyong susunod na eksam. Huwag gagamit ng aspirin, pampalabnaw ng dugo o mga gamot na anti-platelet o pampawala ng pamamaga. Kabilang sa mga ito ang ibuprofen at naproxen. Pinapalabnaw ng mga ito ang dugo at maaaring patindihin ang pagdurugo.
Follow-up na pangangalaga
Magfollow-up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o ayon sa ipinayo. Kung ikaw ay napinsala at may dugo sa iyong ihi, kailangang ulitin ang pagsusuri ng iyong ihi sa loob ng 1 hanggang 2 araw. Makipagugnayan sa iyong doktor para sa pagsusuring ito.
Susuriin ng isang radiologist ang anumang mga X-ray na kinuha. Ikaw ay sasabihan ng anumang bagong nakita na makaaapekto sa iyong pangangalaga.
Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo
Tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan agad kung ang alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Matingkad na pagkapula ng dugo o buo-buong dugo sa ihi (kung wala ka nito dati)
-
Panghihina, pagkahilo o kawalang-malay
-
Panibagong pananakit sa singit, tiyan o likod
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Paulit-ulit na pagsusuka
-
Pagdurugo mula sa ilong o gilagid, o mabilis na pagpapasa
Online Medical Reviewer:
Marc Greenstein MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
9/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.