Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bankart Lesion ng Kasukasuan sa Balikat

Ang balikat ang pinakanaigagalaw na kasukasuan ng iyong katawan. Ang ball (o “ulo”) ng buto ng braso (humerus) ay nakahiga sa mababaw na socket na tinatawag na glenoid, katulad ng bola ng golf na nasa tee. Upang palalimin ang socket, ang labas na gilid ng glenoid ay napalilibutan ng matigas, nababaluktot na tisyu na tinatawag na labrum. Ang pinsala sa labrum ay magreresulta sa isang Bankart lesion.

View sa unahan ng kasukasuan ng balikat na may kalamnan.

Ano ang Bankart lesion?

Ang kasukasuan ng balikat ay nababalutan ng bahid ng litid at iba pang matigas na fiber na tinatawag na kapsula. Sa pagkadisloka ng balikat, ang mga fiber sa capsule ay maaaring hilahin ang labrum at maging sanhi ng pagkapunit nito. Ang Bankart lesion ay ang pangalan ng punit na nangyayari sa mababang gilid ng labrum. Kapag napunit ang labrum, mas madali para sa humerus na matanggal mula sa saket. Ikaw ay maaari ring magkaroon ng pananakit at makaramdam na para bang ang iyong balikat ay nawawala sa kanyang posisyon.

View sa unahan ng kasukasuan ng balikat na makikita ang SLAP tear at Bankart tear.

Pag-diagnose ng Bankart lesion

Upang i-diagnose ang problema, susuriin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang iyong braso at balikat. Kabilang dito ang paggalaw ng iyong bisig sa ilang direksyon upang suriin para sa mga sintomas. Mga imaging test, gaya ng MRI, arthrogram, o CT scan, ay maaari ring gawin. Makikita ng tagapangalaga ng iyong kalusugan sa mga ito ang detalyadong view ng mga tisyu sa loob ng kasukasuan ng iyong balikat.

Pag-treat sa Bankart lesion

Pahinga at mga gamot kontra-pamamaga ang madalas na unang linya ng treatment. Ang physical therapy ay maaari ring magamit upang palakasin ang mga kalamnan sa balikat. Ito ay makakatulong upang panatilihing matatag ang kasukasuan. Kung ang mga treatment na ito ay hindi sapat, maaaring irekomenda ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang operasyon upang i-repair ang labrum.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer