Pagkabanat o Pilay ng Leeg
Magdudulot ng pilay o pagkabanat ang biglaang puwersa na sanhi ng pag-ikot o pagyuko ng leeg. Maaaring halimbawa nito ang puwersa mula sa isang aksidente sa sasakyan. Maaari nitong banatin o punitin ang mga kalamnan na tinatawag na strain o pagkabanat. Maaari din nitong banatin o punitin ang mga ligament o litid na tinatawag na sprain o pilay. Maaaring maging sanhi ng pananakit ng leeg ang alinman sa mga ito. Kung minsan, nangyayari ang pananakit ng leeg pagkatapos ng isang alanganing paggalaw. Sa alinmang kaso, karaniwang mayroong pamumulikat ng kalamnan at nagdaragdag sa pananakit.
Maliban kung nagkaroon ka ng pisikal na pinsala (halimbawa, isang aksidente sa sasakyan o pagkahulog), kadalasang hindi iniuutos ang mga X-ray para sa unang pagsusuri ng pananakit ng leeg. Kung nagpapatuloy ang pananakit at hindi tumutugon sa medikal na paggamot, maaaring gawin kinalaunan ang mga X-ray at iba pang pagsusuri.
Pangangalaga sa tahanan
-
Maaari kang makaramdam ng higit pang pananakit at pulikat sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala. Magpahinga hanggang magsimulang bumuti ang mga sintomas.
-
Kapag nakahiga, gumamit ng komportableng unan o isang nakarolyong tuwalya na sumusuporta sa ulo at pinananatili ang gulugod sa isang neutral na posisyon. Hindi dapat nakayuko o nakahilig patalikod ang posisyon ng ulo.
-
Maglapat ng ice pack sa napinsalang bahagi sa loob ng 15 hanggang 20 minuto kada 3 hanggang 6 na oras. Gawin ito sa loob ng unang 24 hanggang 48 oras. Upang gumawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang manipis na tuwalya o tela bago ito gamitin. Huwag ilagay ang yelo o ang ice pack nang direkta sa balat. Pagkatapos ng 48 oras, lapatan ng init (maligamgam na shower o paligo) sa loob ng 15 hanggang 20 minuto nang ilang beses sa isang araw. O pagpalitin ang ice at heat therapy.
-
Maaari kang gumamit ng gamot para sa pananakit na nabibili nang walang reseta upang makontrol ang pananakit, maliban kung may ibang iniresetang gamot para sa pananakit. Maaaring mas maging mabisa ang mga non-steroidal anti-inflammatory drug (mga NSAID) gaya ng ibuprofen o naproxen kaysa acetaminophen. Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o bato, nagkaroon na ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, o umiinom ng mga pampalabnaw ng dugo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.
-
Magsuot lamang ng malambot na cervical collar sa mga panahon ng tuminding pananakit, kung inireseta ito. Hindi ito dapat isuot ng higit sa 3 oras sa kada araw, o mas higit sa 1 hanggang 2 linggo.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa itinagubilin. Maaaring kailanganin ang physical therapy.
Kung minsan, hindi nakikita ang mga bali sa unang X-ray. Kung minsan, maaaring kasing sakit ang mga pasa at pilay ng bali. Maaaring magtagal upang ganap na gumaling ang mga pinsalang ito. Kung hindi bumuti ang iyong mga sintomas o lumalala pa ang mga ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga. Maaaring kailanganin mong ulitin ang X-ray o iba pang pagsusuri. Kung kumuha ng mga X-ray, sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mayroon kang:
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
Online Medical Reviewer:
L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed:
2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.