Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pananakit ng Balikat na Hindi Tiyak ang Sanhi

Maraming nagiging dahilan ng pananakit ng balikat. Madalas na nagmumula ang pananakit sa mga istruktura na nakapaligid sa kasukasuan ng balikat. Ito ay ang mga kapsula ng kasukasuan, mga ligamento, litid, kalamnan, at bursa. Maaari ding magmula ang pananakit mula sa kartilago sa kasukasuan. Maaaring mapudpod o mapinsala ang kartilago. Mahalagang malaman kung ano ang nagdudulot ng iyong pananakit para makagamit ng tamang paggamot ang tagapangalaga ng kalusugan. Ngunit kung minsan, mahirap na malaman ang eksaktong dahilan ng pananakit ng balikat. Maaaring kailanganin mong magpatingin sa isang espesyalista (orthopedist). Maaari ding kailanganin mo ng mga espesyal na pagsusuri gaya ng CT scan o MRI. Maaaring kailangang gumamit ng tagapangalaga ng espesyal na kagamitan upang tingnan ang loob ng kasukasuan (arthroscopy).

Magagamot ang pananakit ng balikat gamit ang isang sakbat o isang device na pinipigil ang iyong balikat na gumalaw. Maaari kang uminom ng gamot na kontra-pamamaga gaya ng ibuprofen upang maibsan ang pananakit. Maaaring kailanganin mong gumawa ng espesyal na mga ehersisyo para sa balikat. Mag-follow up sa isang espesyalista kung matindi ang pananakit o hindi nawawala pagkatapos ng ilang linggo.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga payong ito kapag nangangalaga sa iyong sarili sa iyong tahanan:

  • Kung binigyan ka ng sakbat, hayaan itong nakasuot sa panahong ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kung hindi ka sigurado kung gaano katagal itong isusuot, humingi ng payo. Kung lumuwag ang sakbat, i-adjust ito para ang iyong bisig ay pantay sa lupa. Dapat maramdaman ng iyong balikat na suportado ito nang husto.

  • Maglagay ng ice pack sa bahaging napinsala sa loob ng 20 minuto kada 1 hanggang 2 oras sa unang araw. Maaari kang gumawa ng sarili mong ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ice cube sa isang plastic bag. Ibalot ang bag sa isang manipis na tuwalya. Ipagpatuloy ang mga ice pack 3 hanggang 4 na beses sa isang araw sa susunod na 2 araw. Pagkatapos, gamitin ang pack kung kinakailangan para maibsan ang pananakit at pamamaga.

  • Maaari kang gumamit ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit, malibang inireseta ang ibang gamot. Kung ikaw ay matagal nang may sakit sa atay o bato, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng bituka.

  • Maaaring tila mas matindi ang pananakit ng balikat sa gabi, kapag walang gumagambala sa iyo mula sa pananakit. Kung natutulog ka sa iyong gilid, subukang alisin ang bigat mula sa iyong masakit na balikat. Ang pagtutukod ng mga unan sa iyong likod ay maaaring pumigil sa iyo na gumulong sa balikat na iyon sa panahon ng pagtulog. 

  • Maaaring manigas ang mga kasukasuan ng balikat at siko kung mapabayaan sa sakbat nang napakatagal. Maaaring itagubilin sa iyo na simulan ang hanay ng mga ehersisyo ng paggalaw humigit-kumulang sa 7 hanggang 10 araw pagkatapos ng pinsala. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga para malaman kung anong uri ng mga ehersisyo ang gagawin at kung kailan ang pinakamaagang pagsisimula.

  • Maaari mong alisin ang sakbat para mag-shower o maligo.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi ka gumagaling sa susunod na 5 araw.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lumulubha ang pananakit o pamamaga o nagpapatuloy sa loob ng mahigit sa ilang araw

  • Nanlalamig, nangangasul, namamanhid, o nanginginig ang iyong kamay o mga daliri

  • Maraming pasa sa iyong balikat o itaas na braso

  • Nahihirapang igalaw ang iyong kamay o mga daliri

  • Panghihina ng iyong kamay o mga daliri

  • Naninigas ang iyong balikat

  • Pakiramdam mo na parang lumalabas ang iyong balikat

  • Hindi ka gaanong makagawa ng iyong mga pang-araw-araw na gawain

Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer